Tuesday, February 26, 2008

...

Paano Kita Iibigin

Paano ang buhay kong ito
Ngayon tayo ay magkalayo
Hindi pa ba sapat ang aking pag-ibig
Di ba’t nag-sumpaan tayo

Sino, ano ang hinahanap mo
Bakit nagkukubli’t nagtatago
Ang tunay mong hangarin
Ba’t di sabihin sa ‘kin
Mahirap ba akong mahalin

Paano kita iibigin
Kung di mo ibibigay ang puso mo sa akin
Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo
Maghihintay ako sabihin mong mahal mo na ako

Paano kita iibigin
(Paano ang buhay kong ito)
Kung ‘di mo ibibigay ang puso mo sa akin
(Ngayon tayo ay magkalayo)
Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo
(Hindi pa ba sapat ang aking pag-ibig)
Maghihintay ako na sabihin mong mahal mo na ako
(Di ba’t nag-sumpaan tayo)

Di ko matitiis ang malayo ka
Kung kailan ako nagmahal mawawala pa
Mawawala ka

Paano kita iibigin
(Paano ang buhay kong ito)
Kung ‘di mo ibibigay ang puso mo sa akin
(Ngayon tayo ay magkalayo)
Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo
(Hindi pa ba sapat ang aking pag-ibig)
Maghihintay ako na sabihin mong mahal mo na ako
(Di ba’t nag-sumpaan tayo)

Paano kita iibigin
Kung di mo ibibigay ang puso mo sa akin
Ano ang pumipigil sa damdamin at sa puso mo
Maghihintay ako sabihin mong mahal mo na ako

Maghihintay ako (maghihintay ako)
Na sabihin mong (na sabihin mong)

Mahal mo rin ako

***

Manhid

Mahal, kailan mo ba ako tunay na makikita?
Mahal, yayakapin kita nang walang hanggan
Ngunit hindi ako ang iyong nakikita
Hindi ang yakap ko ang iyong nadarama

At sa tuwing ako'y hinahagkan
Ng mga labing katabi ng walang hanggan
Sa hangin ang puso'y dumadaan

Mainit mo ako ngayong hinahawakan
Mga kamay mo'y naglalakbay kung saan-saan
Mainit mo akong binabalot ng iyong kalungkutan
Natutunaw ako sa init ng iyong katawan

Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Kailan mo ba ako mararamdaman?

O kay tagal maghilom ng mga sugat mo
Abutin ko man malalim ito
Malulunod ako...

Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Ako ba'y tunay mong nararamdaman?
Kailan mo ba ako mararamdaman?


by Regine Velasquez

No comments: