nanlibre na nga ako ng pagkain eh, pizza na may kasamang buffalo wings. greenwich na nga lang kasi may kamahalan ang yellow cab. 2 box pa. pero umiral na naman ang pagka patay-gutom na ugali niya. tapos sinabihan pa ako na sana totoong pagkain na lang ang binili dahil P700 hindi pa siya nabusog. gusto lang niya ubusin ang natira. kasi yun ang ugali niya. patay-gutom. parang hindi pinapakain. ingrata pa. eh meron namang natirang kanin at ulam kaninang tanghalian.
eh siya yung tatay diba? hindi bat siya ang dapat na nagpapakain sakin at hindi ako? naririnig ba nila akong nagrereklamo pag hindi ko gusto ang kinain ko na luto ng nanay ko?
mali ba kung sumama ang loob ko at magalit ako sa tatay ko dahil sa nangyaring to?
tao lang ako.
sana lumabas na lang ako ngayong gabi. hindi pa sumama ang loob ko.
No comments:
Post a Comment